Pokus sa Bokasyon

Bilang pagbibigay-daan sa Buwan ng Bokasyon noong Agosto sa Apostoliko Bikaryato ng Calapan, inilunsad ng Diocesan Commission on Social Communications and Mass Media ang “POKUS SA BOKASYON”, isang patimpalak sa paglikha ng maikling pelikula sa tema ng bokasyon sa pagpapari o pagmamadre.

Liban sa paanyaya na pumasok sa relihiyosong bokasyon, layunin din ng kumpetisyon na pagyamanin at palawakin ang kasanayan ng mga media volunteers ng bikaryato sa pamamagitan paggawa ng maikling pelikula.

Binuo ng dalawang Levels ang kumpetisyon. Ang unang level ay ang Elimination Round sa mga entries mula sa kanya-kanyang Parokya, Chaplaincy o Mission Area. Ang nagwagi sa unang level ay s’ya namang nilikom upang maipadala sa Diocese. Labindalawang maiikling pelikula na may kanya-kanyang istorya ng bokasyon ang nagpakita ng husay sa Diocesan Level. Ang pagpili sa nanalo ay nakabase sa mga sumusunod na gabay: Content, Message, Creativity o Originality, Technical Excellence at Overall Impact.

Itinanghal na Champion ang short film entry na “Palagi Tayong Nasa Pagitan” mula sa Saint John the Baptist Parish- Pola, Oriental Mindoro, sa panulat at direksyon ni Irish Yes Layas na pinagbidahan nina Sigfred Ramirez, Benz Perez, Howard Baldonado at Maria Ana Generoso kasama sina Jan Kjae Bague, Aicris Manalo at Richie Barredo. Ipinakita ng pelikula ang mga istoryang katha tungkol sa iba-ibang seminarista na dumadaan sa pagitan ng dalawang estatwa ng santo sa Saint Augustine Seminary.

Natanggap naman ang ikalawang pwesto ng Christ the King Parish- Roxas, Oriental Mindoro, sa pelikulang “Tugon” na tungkol sa isang paring nagkukwento ng kanyang pagtugon sa tawag ng Diyos sa gitna ng mga pagsubok na hinarap niya at napagtagumpayan.

Nakuha naman ng pelikulang “Pagtawag, Pagtugon” ng Sto Niño Cathedral- Calapan City ang ikatlong pwesto na nagpakita ng kwento ng isang binatang nagsumikap upang tumugon sa tawag ng pagpapari kahit nakararamdam ng takot at pangamba.

Ang iba pang pelikula sa Diocesan level ay “Pagsuko” mula sa Holy Family Parish-Socorro, “Hamon ng Bokasyon” ng San Sidro Chaplaincy-Bongabong, “Pagsusugo” mula sa Divine Savior Parish- Bansud, “Patungo at Pabalik” ng St. Benedict Chaplaincy- Lalud, “Piliin Maging Iba” ng Immaculate Concepcion Parish- San Teodoro, “Sotana” mula sa St. Anne Chaplaincy- Macatoc, “Tinatawag Ka N’ya” mula sa Our Lady of Fatima Mission Area- Leuteboro at “Vocare” mula sa Our Lady of Pillar Parish- Communal.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

0