Catechetical
Vision, Mission, and Goal of Diocesan Commission on Catechesis
Mga buhay at aktibong tagapagpahayag ng Misteryo ng nagkatawang-taong Anak ng Diyos tulad ng ipinahahayag ng Simbahan upang akayin ang mga tao sa malalim at personal na pakikipag-isa kay Kristo.
Kaming mga tagapagpahayag ay nagtatalaga ng sarili sa mga sumusunod:
- Patuloy na hububugin ang sarili sa kaalaman at kasanayan sa misyong na kaatang sa amin.
- Gisingin ang kamalayan ng mga tao na sila’y bahagi ng isang pamayanang may pananagutang mamuhay bilang isang Simbahan.
- Akayin ang mananampalataya palapit kay Kristo at gawin Siyang sentro ng kanilang pamumuhay.
- Matulungan ang mga mag-aaral na makilala ang kanilang sarili, ang kanilang buhay, at mga taong kanilang nakakasalamuha araw-araw.
- Linanging matagpuan ang kahulugan ng kanilang mga karanasan, ang kanilang mga pinahahalagahan at mga hangarin sa buhay sang-ayon sa Salita ng Diyos at sa mga turo ng Simbahan.
- Magawang tumugon sa paanyayang sundan si Hesus: ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.
Sa loob ng tatlong taon, may mga taong nagtatalaga na ng sarili na maging kaagapay sa larangan ng pagtuturo ng katesismo (iskol o pamayanan based) mula sa mga pamayanan.
- SCHOOL-BASED CATECHESIS
- Regular na pagtuturo sa mga Pampublikong Paaralan (Elementary & High School )
** Campus Ministry – tugon sa kakulangan ng tagapagturo sa High School.
- PARISH / PAMAYANAN-BASED CATECHESIS Pre- Sacramental Catechesis Pre-baptismal Seminar for Adult
Pre-Baptismal Seminar (for Parents & Godparents Doctrinal Formation for Marriage) Recollection for Parents of 1st Communicants
Recollection for Confirmandi
Pre-Confirmation Seminar (Godparents & Parents)